Monday, 12 February 2018

Bata, binawian ng buhay matapos pinag-tadtad ng saksak ng ama


Patay ang 13-anyos na binatilyo matapos saksakin ng kaniyang ama sa Villasis, Pangasinan Sabado ng madaling araw.
Nabulabog ang isang lamay sa Zone 4 Poblacion matapos ang malagim na sinapit ng binatilyo.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang nagkukwentuhan ang magkakaanak, bigla umanong tumayo ang 47-anyos na suspek na hindi mapakali at naglabas-masok ng bahay.
Nang bigla niyang kinuha ang kutsilyo at pumasok sa kwarto ng natutulog na anak at pinagsasaksak siya.
Hindi rin maipaliwanag ng suspek ang kaniyang nagawa.
“Opo inaamin ko po ginawa ko… hindi ko alam basta ginawa ko lang… wala ako gaano maalala,” aniya.
Tatlong saksak sa dibdib at isa sa braso ang tinamo ng biktima. Nakumpiska din ang kutsilyo na may dugo pa ng biktima.
“ ‘Yun ang nag-aalaga sa akin minsan pinapakain ako nu’n, mabigat po sa loob ko ang nangyari, anak ko po ‘yun,” ayon sa suspek.
Ayon sa PNP, nasangkot na rin ang suspek sa ganitong krimen at dati niyang tinangkang saksakin ang asawa. Madalas din umano ito napapaaway kapag nakakainom.
Inihahanda na ng pulisya ang karampatang kaso laban sa suspek. /Read full

0 comments:

Post a Comment