Friday, 2 February 2018

Entry Salary ng Mga Guro, Ipapa-DOBLE ni President Duterte


Magandang balita ito para sa ating mga kapatid na guro, sakaling maaprubahan, mga kababayan!

Ikinunsulta na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management ang kanyang planong doblehin ang panimulang sahod o iyung tinatawag na "entry salary" ng mga guro sa bansa. Hiniling ng Pangulo na mahanapan ng pinakamabuting paraan upang ito ay matupad, tulad ng pagpapapataas ng sahod ng mga mga kapatid nating sundalo ng AFP, gayundin ng mga kapulisan sa PNP na nauna nang ianunsiyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., ang nabanggit na hain ay kaugnay ng Ikalawang Tax Reform Package na isusumite sa Kongreso ngayong buwan.

Kapag nagkataon, makakaahun-ahon na rin sa wakas kahit papaano ang ating mga guro, na walang sawang nagturo sa atin noong tayo ay musmos na estudyante pa lamang, at patuloy na gumagabay sa ating mga anak sa kasalukuyang henerasyon.

0 comments:

Post a Comment