Saturday, 12 May 2018

Sa Botong 8-6, Sereno Sinibak Sa Korte Suprema!


Walang bisa ang pagkakatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos magbotohan ang mga hukom ng Korte Suprema.
Sa botong 8-6 ay pinaboran ng mataas na hukuman ang quo warranto na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban sa punong mahistrado.
Sina Associate Justices Noel Tijam, Teresita De Castro, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo ang bumoto na mapatalsik si Sereno.
Kumontra naman sina Associate Justices Estela Bernabe, Alfredo Benjamin Caguioa, Presbitero Jose Velasco Jr., Mariano Del Castillo, Marvic Leonen, Antonio Carpio.

Una nang hiniling ni Sereno na mag-inhibit sa kaso sina De Castro, Peralta, Bersamin, Jardeleza, Tijam at Martires dahil sa pagkakaroon ng bias laban sa kaniya.
Sa pagkakatalsik ni Sereno sa Korte Suprema ay hindi na kinakailangan pang gumulong ang impeachment sa Kongreso.

0 comments:

Post a Comment